LEVEL-UP
- pagpapataas o pagpapa-unlad sa nasusukat na antas ng buhay
Muli, may
nabingwit na naman ang dila ni Juan mula sa pusod ng dagat ng mga wikang
banyaga. Ikaw, kung sinumang nagbabasa nito, huwag ka nang magtaka. Bihasa na ‘yan
sa ganyang gawain. At oo nga, sumasang-ayon ako. Gumagaling na nga siya eh. Pansin
mo rin ba? Hindi ba’t lumelevel-up na rin siya?
Tulad ng mga
nauna na niyang nahuli, naitanong ko rin sa aking sarili, papaano nga ba iyon nasagi sa kanyang mahiwagang dila? Susko!! Sa dami ay ubod na nga rin ang aking pagtataka kung papaano pa siya nakabibingwit. Marahil ay isang malaking pasasalamat na rin ang maaaring ialay sa mga "nagpasimuno" nito. Salamat talaga sa mga nagsisulputang computer games gaya ng DOTA, Tetris Battle, Farmville at iba pa. Kung wala ang mga ito, tiyak, wala ring mahuhuli si Juan! Sa madaling sabi, walang
EL - I - VI - I - EL gitling YU - PI
LEVEL-UP!! Isa na ito marahil sa mga salitang umiikot sa bokabularyo ng mga kalahi ni Juan. At iyon nga'y hindi nakapagtataka sapagkat sa isang katulad kong kadugo na'y kakulay pa niya, nagagamit ko rin ito. Subalit, hindi naman siguro ako nagsosolo sa paggamit. Marahil ay may kasamahan pa akong tila hindi bababa ang bilang sa hibla ng aking buhok. Kaya naman'y hindi na nakapagtataka kung muli itong mapayayaman.
Gayunpaman, papaano nga ba ito ginagamit?
- Sinasabi kung mula public school ay lumipat ka sa isang private school, lumevel-up ka na.
- Gayundin, kapag may bago kang sapatos.
- Maging si Mayor Lim nga eh, masasabing nag-level-up na. Bakit?? Kasi may Facebook Fan Page na siya. (at ipinagmamalaki niya 'yon)
- Kaya naman sa pag-level-up ay nakisali na rin siya.
Sabi nga ni Joselito delos Reyes, "lumevel-up" ka kung umasenso ka. At iyon nga'y napatunayan sa ilang nabanggit na halimbawa sa itaas. Bakit, nabitin ka ba? Ya, konting scroll down lang, mayroon pa!
- Umasenso si Manny Villar sapagkat mula sa paglalangoy sa dagat ng basura, hayun, senador na pala, naglalangoy na rin sa dagat ng pera . So, anong say mo?
- Ikalawa, Henry Sy. Noo'y winawalang bahala lang ng mga kakumpitensiya sa negosyo. Ngayon, pinakamayaman ng negosyante sa Pilipinas. Bilyonaryo pa! O, saan ka ngayon??
Kaya naman si Mayor Lim....
OPO!! MAG-AARAL NA PO.
Subalit, hindi lang 'daw' sa pag-asenso maaari itong ikabit. Sa ilang sitwasyon kagaya ng nasa ibaba, "lumelevel-up" ka pa rin naman kaso, wala kang pag-asenso sa iyong kinalalagyan sa buhay.
Hindi ba!? Maging si Ninoy napasama sa limandaang piso ang kanyang maybahay na si Cory. Naglevel-up na siya!
Halina't SERYOSOHIN NATIN 'TO..
Sa huli, maitatanong mo: Yung Totoo, Pilipinas... Lumevel-Up ka na ba?
Maayos na naisakatuparan ng nagpahayag na si Joselito delos Reyes ang kanyang nais na maitampok ang salitang level-up bilang salita ng taon. Napawasto pa nga ang timing sapagkat sinong magaakala na kasabay ng malikhain niyang pagpepresent ay sumasabay rin pala sa pag-level-up niya ang ekonomiya ng Pilipinas.
Sa mga salitang naitampok katulad ng level-up, hindi maikakaila ang mga pagbabagong mapapansin hindi lamang sa lipunan, kundi, pati na rin sa pauti-uting pagbaluktot ng ating mga dila. Gayunpaman, nagsilbi ang salitang ito bilang patunay na buhay ang ating wika, patuloy na nag-iiba, mas yumayaman, at higit na tumatangi. Sa kabilang banda, maituturing ngang lumelevel-up na ang Pilipinas, hindi lamang sa pagtaas ng antas ng ekonomiya kundi sa lalong pag-unlad ng ating wika. Kaya naman nakatutuwang isipin na may programang tumutulong dito. Sa huli, akin ngang masasabi, lumelevel-up na ang Pilipinas! Mabuhay ka! Ikaw na!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento