Linggo, Oktubre 7, 2012

Pagsisisi


Napakatagal na nating magkaibigan. Oo, sumasang-ayon akong naging
 mahaba ang ating oras. Subalit, bakit ngayon ko lang naisip na
 ika’y tapatin kung kailan maligaya ka na pala? Bakit ko sina--
yang ang mga pagkakataong noon sana’y mag-isa nang
pumipintig ang ating mga puso? Bakit ko inaksaya
ang mga panahong sana’y  naglalaro tayo sa
ilalim ng buwan sa saliw ng malamig na
simoy ng hangin? Totoo, napakahaba
talaga ng nagdaan. At sa bawat
 pagbalik-tanaw ko sa mga
pangyayari’y hindi ma-
wala sa akin
ang pang-
hihi-
nayang.
Sa aking pani-
ngi’y tuluyan nang
naglaho ang tingkad ng
rosas na sana’y papantay sa
mapula mong labi. Natunaw na rin
 ang mga tsokolateng sana’y aayon sa ma-
tamis mong ngiti. At iyon nga, wala na akong
magawa kundi sisihin ang sarili. Napakahina ko. Napa-
kahina. Ubos na ang oras at wala na akong ibang magagawa
kundi pagsisihan ang mga nasayang na sandali. Heto na nga’t pa-
patak na ang huling butil, paubos na ang oras. Wala na akong magaga-
wa. Mahina kasi ako, walang lakas ng loob. Kinakapa pa ang sitwasyon. Torpe.


Huwag nang hintayin pa ang oras kung kailan masasabi mo 
sariling "napakatanga ko." Mahaba ang oras at sa mga 
sandaling iyo'y malaya mong magagawa ang nais. 

1 komento:

  1. Mas mainam sana kung nabubuo ang hugis ng hourglass nang hindi kinakailangang magputol ng salita. Subalit dahil sa ugnayan ng anyo at nilalaman dito kaya binibigyan kita ng isang markang pagtaas. Pagbati!

    TumugonBurahin